ARESTADO sa kasong acts of lasciviousness ang delivery boy sa San Marcelino St., Brgy. 659, Zone 71 sa Ermita, Maynila noong Miyerkules.
Kinilala ni Police Major Fredwin Sernio, deputy chief ng District Intelligence Division-Special Mayor’s Reaction Team (DID-SMaRT), ang suspek na si alyas Jonathan ng Villamor St., Pasay City.
Base sa ulat, bandang alas-12: 55 ng tanghali nang matunton ang binata sa loob ng sari-sari store sa naturang lugar sa pangunguna ni Police Major John Stephanie Gammad at Police Captain Pierre Jamil Datong.
Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Tobias Arriola, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 55 ng Irosin, Sorsogon.