NATIKLO ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD)-Sta. Ana police station 6 ang vendor dahil sa kasong rape noong Huwebes sa panulukan ng S.H. Loyola at M Dela Fuente Sts., Brgy. 452, Sampaloc, Manila.
Nakilala ang suspek na isang alyas Ariel.
Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Dionelle Brannon, station commander Sta. Ana Police Station 6, bandang alas-2:50 ng hapon ng mamataan ang suspek sa nasabing lugar.
Hindi na nagawang makapalag ang suspek nang basahan ng Miranda doctrine sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon.James T Sy, presiding judge ng Regional Trial Court, Branch 4 ng Maynila.