HABANG ginagawang patumpik tumpik lamang ng ilan dayuhan ang pagpapa proseso ng mga papeles nila ukol sa rehistro sa civil registration, dumadaan naman sa masikip na iskinita ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa pagsasaayos ng mga papeles kung saan at napipilitan pang magsiuwi sa Pilipinas para lamang gawin ang tamang proseso.
Ito ang sinabi ni Sen. Joel Villanueva, ang naghain ng panukala at may akda ng Department of Migrant Workers Act, kung saan bibigyan ng karagdagan at mabilis na serbisyo ang mga OFWs upang makapag ayos ng kanilang dokumento sa Civil Registry.
Sa pakikipag ugnayan na ginawa ni Villanueva sa mga OFWs sa Hong Kong kamakailan lamang napag alaman nito na todo hirap ang pinagdaraanan ng ating mga kababayan upang makakuha ng kaukulang papeles.
Sa ilalim ng kanyang Proposed Senate Resolution No. 1019 sisiguraduhin nito na bibigyan sila ng espesyal na konsiderasyon at pagtutuunan sila ng mabilisan na pag alalay lalot napakalaki ng kontribusyon ng mangagawang Pilipino sa abroad sa ating kasalukuyan ekonomiya.
Sinabi ni Villanueva na sa ilalim ng Republic Act No. 9048 (An Act Authorizing the City or Municipal Registrar or the Consul General to Correct a Clerical or Typographical Error in an Entry and/or Change of First Name in the Civil Register Without Need of a Judicial Order) inuutusan nito ang mga sangay ng gobyerno na bigyan ng mabilisan serbisyo ang mga OFWs na humihingi nang alalay sa pagsasaayos ng kanilang mga papeles sa civil registration.
Nakasaad aniya ng malinaw na ang batas sa nasabing administrative order ay tutulong ng mabilis sa pamamagitan ng ugnayan sa pagitan ng local civil registrars at consul generals upang agaran na ma isaayos at mapalitan ang mga “clerical o typographical errors, gayundin ang pagpapalit ng pangalan, nickname, araw at buwan ng kapanganakan, ang kasarinlan , at iba pang mga pagkakamali ng kailangan ng agaran na aksyon.
Sa pakikipag ugnayan ni Villanueva at sa ginawang survey, lumalabas na 37% lamang ay nakatatanggap sa kanila ng prebilehiyo na magkaroon ng bakasyon at ito ang dahilan kung bakit habol sila sa oras at dahil sa bagal ng serbisyo ng civil registry at kinakain na nito ang oras nilang dapat ay kapiling ang ilan panahon na gugugulin na lamang sana sa pamilya.