ISANG 57-taong gulang na obrero ang pinaslang habang nakaupo sa kanilang tirahan 9:31 p.m. ng Sabado sa Purok 4, Brgy Tipacan, Lipa City, Batangas, ayon sa report ng pulisya.
Ang biktima ay kinilalang si Manolito De Guzman, may asawa, at residente ng Purok 4, Brgy. Tipacan.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na nakaupo ang biktima sa isang mono-bloc chair sa kanilang tirahan nang biglang dumating ang di pa kilalang suspek bitbit at pinagbabaril ito.
Nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo, at kanang braso ang biktima na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.
Tumakas ang suspek bitbit ang ginamit na armas.