BINULAGA ng mga pulis ang 28-anyos na obrerong suspek sa panghahalay sa menor-de-edad na babae noong Biyernes sa Paranaque City.
Pupungas-pungas pa si alyas Jomari ng dumating ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Unit (WSU) ng Paranaque police sa kanyang bahay sa Brgy. Sto. Nino, Paranaque dakong alas-3:30 ng madaling araw para isilbi ang warrant of arrest sa kanya para sa kasong panghahalay.
Sa report kay Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Mark Pespes, natunton ng pulisya ang tinutuluyan ni Jomari mula sa impormasyon ng isang confidential informant.
Inaresto siya sa warrant of arrest mula kay Paranaque City Family Court Judge Moises Domingo De Castro ng Branch para sa statutory rape.
Walang inirekomendang piyansa para sa temporary liberty ng suspek.
Pansamantalang nakakulong sa Paranaque police station ang suspek habang hinihintay ang paglalabas ng commitment order ng hukuman para sa paglilipat sa kanya sa custody ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)