SINABI ni dating Senador Richard Gordon na hindi siya natatakot ilahad ang katotohanan para sa kapakanan ng taumbayan.
Ito ay kaugnay ng pahayag ni Gordon na, “Citizen Duterte is not immune from persecution.”
Sa isang panayam sa Fact First ni Gordon, binira din ni Gordon ang Tsina sa paggamit umano ng fake news at trolls “sa maraming bansa upang makapang-impluwensiya.”
“’Yung nangyari sa Tarlac, Bamban (Mayor Alice Guo) hindi mapaliwanag kung saan nanggaling? Hindi niya kilala nanay niya,” ani Gordon.
Si Gordon na dating chairman ng Blue Ribbon Committee na siyang nag-imbestiga sa kontrobersiyal na Pharmally ay nagsabing handa siyang magbigay ng lahat ng mga dokumento sa imbestigasyon sa nasabing isyu. Nina PS JUN M. SARMIENTO & CAMILLE P. BALAGTAS